Sabado, Oktubre 26, 2013

Novena Para kay San Expedito



SAINT EXPEDITUS
Advocate in Urgent Cases

KASAYSAYAN NG DEBOSYON KAY SAN EXPEDITO
Patron ng Madaliang Pangangailangan


Ang debosyon kay San Expedito ay inilunsad sa Pilipinas ng mga misyonerong Franciscano. Malamang nuong ikalawang kalahati ng ika-labing walong siglo ng ang kulto ng nasabing santo ay naging tanyag sa Europa lalo na sa mga suyudad ng Messina at Acireale sa Sicily.

Nuong taon 1981, siya ay ipiahayag na patron ng mga nasabing suyudad.

Si San Expidito ay siang sundalong Romano sa panahon ni Emperador Diocletian. Siya ay kabilang sa grupo ng mga martir ng Melitene, isang siyudad sa Grecia, at katulad ni San Ermogene, ipinagdiriwang ang araw ng kanyang kapistahan sa Abril 19. Siya ay nagtaglay ng isan kultong tanyag hindi tulad ni San Ermogene. Ang Jeronimian Martyrology ay binabanggit lamang ang kayang pangalan, kaya walang eksaktong impromasyon tunkol sa kapanahunan nuong siya ay nabubuhay at ang kanyang pagkamartir.

Sinasapantaha ni Delehaye, isang manunulat sa kasaysayan ng simbahan, na ang pangalang Expedito ay siang malng pagbasa ng pngalang Eloidius na isa ring martir sa grupo ng mga martir sa Militene. Siya ay sinasamba sa Timog Alemania.

Si San Expedito ay iginagalang din bilang isang tagapagtanggol ng mga negosyante at biyaherong pandagat. Siya rin ay hinihingan ng tulong para sa madaliang pagtatapos ng mga gawaing pangnegosyo.

Si San ‘Expedito ay ipinakikita sa arte ng isang nakadamit na sundalong Romano na tinatapakan ang isan uwak (simbolo ng kinabukasan) at may hawak na isang relong nagbibigay kahulugang “ngayon”. Sa mga sumunod na panahon, ang relo ay napalitan ng isan “krus”.

Magmula sa “huwag ipagpaliban para bukas ang isang magagawa ngayon,” si San Expidito ay naging kalaban ng kinabukasan.

Ang salitang “espedito” ( Expedito) ay nanggaling sa salitang “madalian” kaya ang taong nangangailangan na tulong sa madaliang kaso ay humiling sa kanya nang malunasan “ngayon” sa araw na ito ang maga bagay tungkol sa negosyo.

Sa mahabang panahon, ang debosyon kay San Expedito (St. Expeditus) ay lumalawak sa buong Pilipinas mula Apparri hanggang Jolo. Ang mga imahen ay donasyon ng mga mambabasa ng “puly Personal” column ni Josephine Darang sa “Philippine Daily Inquirer” at ng Socieety of St. Expeditus.

Ang mga simbahang mayroong imahen na ng San Espedito ay ang St. Andrew Chuch sa LaHuera, Paranaque; Our Lady of Fatima Parish sa Philamlife, Las Pinas; Sto Mino de Probidencia Chapwl sa Pijuan St., BF Resort Vilage, Las Pinas; Our Lady of the Assumption Parish sa Leveriza, Malate; Sto Nino de Violago Chapel sa E. Rodriguez Ave., Q. C.; White Cross Orphanage Chapel sa San Juan, Metro Manila Immaculate Conception Parish sa Los Banos; St. Francis de Assisi Parish sa Bay, Laguna; The Holy Cross Parish sa Tanza, Cavite; Basilica de Nuestra Senora de Penafrancia sa Naga;  Carmelite Monastery Chapel sa Nagal St. Peter and Paul Prish sa Polangui, Albay; St. James the Greater Parish sa Libon, Albay; Our Lady of Penafrancia Paris sa Naga; St. John the Baptist Parish sa Goa, Cam. Sur; Franciscan Sisters Convent Chapel sa Baybay, Leyte; St. Francis of Assisi Parish sa Nasugbu, Batangas; Immaculate Xonception Parish sa Bauan, Batangas; The Holy Rosary Church sa Jonos, Isabela at Immaculate Conception Parish sa Dasmarinas, Cavite.


Paalala:
Hangga’t maaari dasalin ang nobenang ito sa harap ng Santisimo Sakramento.
Si San Expedito ay nagdusa ng labis noong panahon ni Diocletian. May hawak-hawak siyang krus na may nakasulat na “Hodie” (Ngayon) habang nakatuntong sa isang uwak na umiiyak ng “Cras-Cras” (Bukas) upang paa;a;a sa atin na huwag mag-alinlangan kaylan man sa dakilang pagmamahal ng Diyos at huwag ipagpabukas ang taimtim na panalangin bagkus ay tumawag sa kanya lagi bilang ating tagapagtanggol sa poling ng Mahal na Birhen.
(May kapahintulutang Eklesyal)

NOBENA KAY SAN EXPEDITO TAAPATAGUYOD SA MADALIANG PANGANGAILANGAN

PAGTITIKA
Panginoon kong Hesukristo, Ama ng walang katapusang kabutihan, tunay kong pinagsisisihan ang aking mga pagkakasala. Ipagkaloob mo ang biyayang hinihiling ko sa iyo sa pamaamagitan ng mga pagsasalamhati ng iyong mapagmahal na Ina at ng mga dakilang katangian ng iyong martir na si San Expedito.

Panalangain kay San Expedito sa Araw-Araw.
O San Expedito aking tagapagkalinga sa iyo iniluluhog ko ang pag-asang ang aking kahilingan ay ipagkakaloob mo sa lalo pa’t iyo’y para sa aking kabutihan, Hilingin mo sa ating Panginoon sa pamamagitan ng Mahal na Bithen, ang kapatawaran sa aking mga kasalanan at biyayang magpapabago sa aking buhay lalung-lalo na ang biyayang (banggitin ang kahilingan)… at ipinangangako ko na sususndin ang iyong mga halimbawa at palalawigin ko ang debosyon ito sa iyo.


UNANG ARAW

PANALANGIN
O maluwalhating Martir, San Expedito, sa pamamagitan ng isang buhay na panannampalataya na ipinagkaloob sa iyo ng Diyos, hinihiling ko na buhayihin mo ang gayunding pananampalataya sa aking puso, upang ako’y maniwala ring mayroong Diyos, ngunit’ higit sa lahat, upang ako’y maligtas sa pagkakasala sa kanya.
(3 Ama Namin sa ikararangal ng Santisima Trinidad)

Pangwakas na Panalangin sa araw-araw
Alalahanin mo o butihing Birhin Maria na walang sinumang dumulog sa iyo upang humiling ng iyong pagkakandili ang hindi napaunlakan. Puno ng pagtitiwala, naito ako ngayon sa iyong harapan, makasalanan at ngdadalamhati. O Ina ng Diyos na nagkatawang Tao, huwag mong ipag walang bahala ang aking mga salita, bagkus ay dinggin mo at ipagkaloob ang aking panalangi. Siya Nawa.
(1 Aba Ginoong Maria sa karangalan ng Ina ng Pagdadalamhati)

IKALAWANG ARAW
Panginoon kong Hesukristo…
O maluwalhating Martir, San Expedito, sa pamamagitan ng nakaiinggit mna pag-asa upagng sila man ay makatangap rin ng mga biyayang walang katapusan. Idalangin mong manaig din sa akin ang tunay na pag-asa sa Diyos at magpatatag sa akin sa gitna ng mga pagdurusa.
(3 Ama Namin, pangawakasa na Pangalangin, 1 Aba Ginoong Maria)

IKATLONG ARAW
Panginoon kong Hesukristo…
O maluwalhating Martir, San Expedito, sa pamamagitan ng walang katapusang pagmamahal na itinanim ng walang katapusang pagmamahal na itinamin ng ating Panginoon sa iyong puso, tanggalin mo sa aking puso ang lahat ng aking mga paghahangad sa mga bagay na makamundo upang sa gayon ay ang Diyos lamang ang aking mahalin magpakaylan man . Siya Nawa.
(3 Ama Namin, Pangwakas na Panalangin, 1 Aba Ginoong Maria)

IKAAPAT NA ARAW
Panginoon kong Hesukristo…
O maluwalhating Martir, San Expedito, ikaw ang nakababatid sa mga araw ng Dakilang Guro na pasanin ang Krus at sudan siya, hilingin mo sa kanya ang mga biyayang kinakailangan ko upang mapaglabanan ko ang aking mga damdamin.
(3 Ama Namin, Pangwakas na Panalangin, 1 Aba Ginoong Maria)

IKALIMANG ARAW
Panginoon kong Hesukristo…
O maluwalhating Martir, San Expedito, sa pamamagitan ng mabungang biyayang tinggap mo mula sa Langit upang mapanatili mong lahat ang iyong mga banal na katangian, itulot mong mawala sa aking damdamin ang lahat ng nakasasagabal sa aking daan tungo sa kalangitan.
(3 Ama Namin, Pangwakas na Panalangin, 1 Aba Ginoong Maria)

IKAAMIN NA ARAW
Panginoon kong Hesukristo…
O maluwalhating Martir, San Expedito, sa pamamagitan ng iyong mga pagdurusa at dinaranas mong panlalait, na tinanggap moa lang-alang sa pag-ibig sa Diyos, ipagkaloob mo sa aking ang biyayang ito na kinalulugsan ng Diyos, at palayain mo ako sa mga galit at pagmamatigas ng puso na siyang nagiging malaking balakid sa aking kaluluwa.
(3 Ama Namin, Pangwakas na Panalangin, 1 Aba Ginoong Maria)

IKAPITONG ARAW
Panginoon kong Hesukristo…
O maluwalhating Martir, San Expedito,  alam mong ang panalangin ang gintong Susi na magbubukas sa kaharian ng Langit, turuan mo akong manalangin sa isang pamamaraang kanais-nais sa ating Panginoon at sa kanyang Puso, upang ako’y mabuhay para sa manalangin sa kanya lamang magpakaylan man. Siya Nawa.
(3 Ama Namin, Pangwakas na Panalangin, 1 Aba Ginoong Maria)

IKAWALONG ARAW
Panginoon kong Hesukristo…
O maluwalhating Martir, San Expedito, sa pamamagitan ng iyong busilak na pagnanasang naghari sa iyong damdamin, salita at gawam tulutan mong gabayan kami sa aming walang hanggang paghahanap sa kaluwalhatian ng Diyos at ng kabutihan nga aking kapwa. Siya Nawa.
(3 Ama Namin, Pangwakas na Panalangin, 1 Aba Ginoong Maria)
                                       
IKASIYAM NA ARAW
Panginoon kong Hesukristo…
O maluwalhating Martir, San Expedito, ikaw na minamahal ng Reyna ng Langit, wala kang hiniling na tinanggihan, hilingin moa king tagapagtanggap na sa pamamagitan ng pagdurusa ng kanyang Anak at ng kanyang pagdadalamhati, ay matanggap ko ngayon ang biyayang hinhiling ko, ngunit higt sa lahat ay ang biyayang mamatay na muna ako bago ako magkasala. Amen.
(3 Ama Namin, Pangwakas na Panalangin, 1 Aba Ginoong Maria)


LITANYA KAY SAN EXPEDITO

Panginoon, Maawa ka
Kristo, Maawa ka
Panginoon, Maawa ka
Kristo, Pakinggan mo kami
Kristo, Palapakinggan mo kami
Diyos Ama sa langit, Maawa ka sa amin
Diyos Anak, tumubos sa sanglibutan, Maawa ka sa amin
Diyos Espiritu Santo, Maawa ka sa amin
Santa Maria, Ipanalangin mo kami
San Expedito, niluwalhating sundalo ng pananampalataya, Ipanalangin mo kami
San expedito, tapat hanggang kamatayan,
San Expedito, nawala ang lahat bunga ng pag-ibig kay Kristo.
San Expedito, dumanas ng hampas ng dusa,
San Expedito, buong tapang na tiniis ang kamataan sa espada.
San Expedito, maluwalhating kinoronahan sa langit
San Expedito, tulong ng mag-aaral,
San Expedito, modelo ng mga sundalo,
San Expedito, tagapagligtas ng mga naglalayag,
San Expedito, lakas ng mga maysakit
San Expedito, tagapag-alo ng mga naninimdim
San Expedito, tagapamagitan ng mga may kaso
San Expedito, katulong sa mga madaliang pangangailangan,
San Expedito, modelo ng madaliang pagtupad,
San Expedito, suporta ng mga tapat na Kaibigan,
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo, Ipag-adya mo kami Panginoon
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalaan nng mundo, Pakapakinggan mo kami Panginoon
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng mundo, Maawa ka sa amin , Panginoon.

12 komento:

  1. unang araw ng aking hiling kay San Expedito.Jan.14,2021

    TumugonBurahin
  2. St.Expeditus, pray for Us Amen 🙏🏻

    TumugonBurahin
  3. A very miraculous saint expiditus.He help me so much for my travel.Ive prayed for the exact time and it was granted.Thank u my dearest st. Expedite.

    TumugonBurahin
  4. St expedite please grant my wish pray for Us AMEN

    TumugonBurahin
  5. Naniniwala ako na matutupad ang Panalangin ko St.Expedite ipagkaloob mo ito ngayon upang mailabas na namin si Lola Tessie Sa Ospital.
    Please Grant my wish.

    TumugonBurahin
  6. Saint Expedite, Grant my wish to help my brother to heal from his sickness. And for me to be with my family. With the help of this I can start a new life. Thank you. Amen

    TumugonBurahin
  7. Saint Expedite please grant my Wish so i can help my family and help to others Thank you Amen ❤🙏🙏🙏❤

    TumugonBurahin
  8. St.Expedito please grant our prayers & wishes po. Salamat po🙏🙏🙏

    TumugonBurahin
  9. ST. EXPEDITO PLEASE GRANT MY WISH SO I CAN HELP MY FAMILY AND TO HELP OTHERS THANK YOU LORD GOD AMEN 🙏🙏🙏❤❤❤

    TumugonBurahin
  10. St. expidite please grant my wish..i want to help my parents my family and others who need financial problems Amen🙏

    TumugonBurahin
  11. The Best Casino Games In 2021 | DrMCD
    It was also the first time 김포 출장샵 that you could 제천 출장마사지 play a real 김제 출장마사지 slot 김해 출장샵 game online with a real paytable. This game 영천 출장안마 would pay with just a single

    TumugonBurahin